Full width home advertisement

Keep Traveling

People

Business

Post Page Advertisement [Top]

 


Lindol. Bagyo. Giyera. Minsan nang winasak ang mundo ng iba't ibang sakuna. Noo'y kapit-bisig natin itong itinumba, ngunit ngayon, paano kung may nararapat na espasyo sa bawat isa?

 

Biglang huminto ang buhay ng milyong mamamayan dahil sa banta ng pandemyang nakakapaminsala (Covid-19). Sa isang kisap mata ay tuluyan nang binago nito ang paraan ng ating pamumuhay. Pahirapan sa pagtayong muli dahil sa malawakang paglaganap nito, at ito'y nagresulta ng pagkaalpas sa buhay ng marami. Ito rin ay nagdulot ng lubos na pangamba at takot sa bawat isa, hindi lamang sa usaping pangkaligtasan kundi pati na ang 'di matibag-tibag na problema ng kahirapan. 

 

Totoong maraming negatibong hatid ang malawakang paglaganap ng Covid-19, ngunit ito'y hindi nangangahulugang tayo'y patuloy na lamang na maghihintay at hayaang nakawin nito lahat ng ating pinaghirapan.

 

Maari rin nating tuklasin ang mga mabubuting naidulot ng "quarantine" habang hinahanap pa natin ang "new normal" na pamamaraan ng pamumuhay sa pang araw-araw. Sa halip na malugmok, maging positibo sa buhay. Ang panahong ito ay kabanata lamang ng ating istorya. Ito'y matatapos at lilipas din basta't mayroong paniniwala at panalangin. Darating din ang araw na ang bawat luhang pumatak dulot ng pandemyang ito ay magpapasibol sa bagong umaga dahil laging may liwanag sa sa bawat dulo ng madilim na lagusan, at laging may  bituin na nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim, liwanag na gagabay sa bawat yapak saksa ng takot at pangamba dala ng simoy ng pandemya.

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]