Full width home advertisement

Keep Traveling

People

Business

Post Page Advertisement [Top]



Ang gandang manirahan sa probinsya, nakapaligid ang samu't saring masustansyang gulay. Mga kalabaw sa bukid na alas otso palang ay pagod na, at saan ka ba makakakita ng bulag na sumasayaw sa gitna ng kalsada? Sa probinsya.


Ang istoryang ito'y hindi lamang umiikot sa ganda ng probinsya, ito rin ay tungkol sa mga buhay na winasak ng pandemya. Ang mga batang noon ay maghapon sa sapa, ngayon ay maghapong nasa kama nakahilata. Si Aleng Nelda na walang humpay sa kaka-tsismis, ngayon ay hating gabi, siya ay naglilinis. Si Manong Lando na makisig na karpintero ay ayaw paawat sa pag-aayos ng kung anu-ano.


Nakakatakot nang lumabas ng bahay ngayon, ultimo kapilya ay ginawa nang quarantine area, araw-araw may bagong kapitbahay, ngunit araw-araw ding may bagong lamay. Isa. Dalawa. Tatalo. Sinong mananalo? May tono ba ang pagkabasa mo? Ulitin natin. Isa. Dalawa. Tatlo. Oh kay bilis binago ni Covid-19 ang buhay ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Sa isang kisapmata, si tito Paolo ay naging abo. Sobrang pait ng sinapit ng lugar ko.


Mapait man ang kasalukuyan, pero mananalo rin tayo tulad sa nakaraan dahil tayo'y mga Pilipino na handa sa ano mang laban. Maging positibo at aktibo sa pakikinig ng anunsyo sa radyo at samahan ng mataimtim na dasal. Hanapin, tuklasin, at suriin ang magandang dulot ng quarantine. Sa halip na malungkot, matuwa at magsaya dahil may bagong umaga sa paghupa ng pandemya.

1 comment:

  1. Na curious ko sa photo nga gigamit. Asa na sa Alabel? Nindot ha kay magic hour. :-)

    ReplyDelete

Bottom Ad [Post Page]